PBBM, pinulong ang DHSUD, government financial institutions at top banks ng bansa

PBBM, pinulong ang DHSUD, government financial institutions at top banks ng bansa

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pulong kasama si Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar, mga kinatawan ng government financial institutions (GFIs) at top banks ng bansa.

Ginanap ang naturang meeting sa Palasyo ng Malakanyang nitong Miyerkules.

Kasunod nito ang pag-turnover ng World Bank ng Framework for Resilient Housing and Shelter Programs sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ang nasabing framework ay naglalayon na idirekta ang koordinasyon at pagtukoy ng mga estratehiya at programa sa pabahay ng mga ahensya ng national government, local government units, at government partners sa lahat ng yugto ng disaster management.

Follow SMNI NEWS in Twitter