SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na nahaharap ang bansa sa krisis sa tubig at inanunsiyo na rin nito ang pagbuo ng ‘water management office’ upang maharap ang problema ng bansa sa tubig.
Sinabi ni Pangulong Marcos sa kalagitnaan ng ika-6 na ‘Water Philippines Conference and Exposition 2023’ sa Pasay City na kailangang gayahin ng Pilipinas ang pinakamagandang water management na ginagawa ng ibang bansa upang matugunan ang problema sa tubig.
Dagdag ni Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng ‘water management office’ ay makagagawa ang pamahalaan ng mas maayos na polisiya sa problema sa tubig.
Nauna na ring sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na nasa 11 milyong pamilyang Pilipino ang walang access sa malinis na tubig.