PBBM tinanggap ang mga bagong ambassador mula sa 4 bansa

PBBM tinanggap ang mga bagong ambassador mula sa 4 bansa

TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang credentials ng mga bagong talagang ambassador mula sa Pakistan, Saudi Arabia, Thailand, at Kuwait.

Kabilang sa mga nagpresenta ng kanilang credentials ay sina:

  • Ambassador Dr. Asima Rabbani ng Pakistan
  • Ambassador Faisal Ebraheem Alajrafi Alghamdi ng Saudi Arabia
  • Ambassador Makawadee Sumitmor ng Thailand
  • Ambassador Meshari Yousef Muhammad Alnibari ng Kuwait

Kasama ni Marcos Jr. sa seremonya si acting Foreign Affairs Secretary Charles Jose.

Itinatag ng Pilipinas ang ugnayang diplomatiko sa Pakistan at Thailand noong 1949; noong 1969 sa Saudi Arabia; at noong 1979 sa Kuwait.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble