PBBM, tiniyak na hahanap ng paraan upang maibalik ang dating school calendar

PBBM, tiniyak na hahanap ng paraan upang maibalik ang dating school calendar

HAHANAP ng paraan ang gobyerno para maibalik ang pasukan sa dating school calendar na nag-uumpisa bawat buwan ng Hunyo ng taon.

Ayon ito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng mga panawagan na ibalik na sa dating school calendar ang pasukan dahil sa nararanasang matinding init dulot ng El Niño.

Hindi rin sinabi ni Pangulong Marcos na agad-agad itong mangyayari sa susunod na academic year subalit tiniyak nito na susubukan nilang maibalik ito sa lalong madaling panahon.

Nauna nang sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi madali ang maibalik sa dating schedule ang pasukan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble