PBBM, tututukan ang mga kabataan, magsasaka, mangingisda sa “Bagong Pilipinas”

PBBM, tututukan ang mga kabataan, magsasaka, mangingisda sa “Bagong Pilipinas”

IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagkakaroon ng reporma sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” na programa.

Ayon kay Pangulong Marcos, tututukan ng Marcos admin ang mga kabataan dahil ito ang itinuturing na kinabukasan ng bansa.

Kasama sa mga programa para sa mga kabataan ang pangangalaga sa kalikasan maging ang pagkakaroon ng feeding programs.

Ipinangako na rin ng Pangulo na maliban sa mga kabataan, tututukan din ng pamahalaan ang mga magsasaka at mangingisda lalong-lalo na ngayon na may may nararanasang El Niño.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble