TUMULONG ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) sa 500 pamilyang apektado ng Bagyong Carina sa Binondo, Manila, kahapon, Hulyo 28, 2024.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng pagkain, tubig, damit, tsinelas, at hygiene kits.
Kasabay rito, nagsagawa rin ng feeding program para sa 2,000 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa Delpan Evacuation Center.
Ayon sa Coast Guard Civil Relations Service (CGCRS), layon ng aktibidad na matulungan ang ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng Bagyong Carina.
Editor’s Note: This article has been sourced from the PCG Facebook Page.