INIHAHANDA na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga rubber boat na gagamitin para sa paghahanap sa mga nawawalang sabungero.
Batay sa testimonya ni Julie Patindongan, “Alyas Totoy,” sa Taal Lake umano itinapon ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero.
Ito ang unang pagkakataon na sisisid ang mga awtoridad sa nasabing lawa, partikular sa bayan ng Talisay, Batangas.