PCG, nagpatupad ng “No Sail Policy” sa Calayan Island

PCG, nagpatupad ng “No Sail Policy” sa Calayan Island

IPINATUPAD ng Philippine Coast Guard-North Eastern Luzon ang no sail policy para sa mga sasakyang pandagat na tumitimbang ng 250 gross tonnage pataas na bumibyahe patungo sa Calayan Island.

Ang sea travel advisory ay inilabas dahil sa banta ng masamang panahon na dulot ng low pressure area (LPA) at habagat na umaapekto sa buong bansa.

Tanging mga barkong may kumpletong dokumento at walang pasahero ang pinapayagang maglayag.

Paalala rin ng PCG na maging maingat sa paglalayag at panatilihing bukas ang komunikasyon habang nasa laot.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble