NAKAHANDA na ang Coast Guard District North Western Luzon (CGDNWLZN) para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 na magsisimula sa Linggo, Marso 24, 2024.
Sa kick-off ceremony ng mga Deployable Response Group (DRGs) nitong Marso 22, 2024, pinaalalahanan ni CGDNWLZN Commander CG Captain Ivan Roldan, ang mga Coast Guard personnel na siguruhing handa at nakaalerto ang lahat tungo sa pagtataguyod ng kaligtasan at seguridad ng mga biyahero at turista sa paparating na Mahal na Araw.