PCG, tumulong sa paglikas ng mahigit 200 residente sa Batangas

PCG, tumulong sa paglikas ng mahigit 200 residente sa Batangas

TUMULONG ang Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) sa paglikas ng mahigit 200 residente ng Brgy. Maguihan, Lemery, Batangas, kahapon, Hulyo 23, 2024.

Ayon sa CGDSTL, nagdulot ng malalakas na alon ang nagpapatuloy na sama ng panahon, na umabot sa kabahayan ng nabanggit na barangay.

Inihatid sila sa pinakamalapit na evacuation center para makatanggap ng karagdagang tulong mula sa lokal na pamahalaan.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Philippine Coast Guard – Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble