PCSO, ayaw tumulong sa mahihirap?

PCSO, ayaw tumulong sa mahihirap?

SA deliberasyon para sa 2025 budget ng DSWD gabi ng Martes, Nobyembre 19, kinalampag ni Senate Committee on Health Chair Senator Bong Go ang PCSO dahil ito na lamang ang ahensiyang hindi pa pumipirma sa revised Joint Administrative Order (JAO) kasama ang DSWD, DOH, at PhilHealth.

Alinsunod ang revised JAO sa batas na nagtatag sa Malasakit Centers Program.

Nakasaad sa revised JAO na maliban sa P3,000 na ayuda, magbibigay na rin ng guarantee letter (GL) ang DSWD para makabawas sa hospital bills ng mga pasyente. Pero dahil wala pang pirma ang PCSO kahit 14 months na mula nang i-revise ang JAO, hindi pa pwedeng mag-issue ng GL ang DSWD.

Dahil dito, hindi maiwasang isipin ni Senator Bong Go na “siguro ayaw tumulong” ng PCSO sa mga mahihirap na pasyente. Panawagan ni Go, huwag nang pahirapan pa ang mga pasyente na nangangailangan ng tulong.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter