NAGSAGAWA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office (RO)-II Land Interdiction Unit (LIU) kasama ang Tuguegarao City Police Station ng K9 Inspection, Greyhound Operation kahapon Abril 24 sa Tuguegarao City District Jail, Tuguegarao City, Cagayan.
Ang nasabing jail facility ay binubuo ng 12 dormitoryo para sa male persons deprived of liberty (PDLs) at 2 dormitory para sa female PDLs.
Sa ngayon, nasa 223 PDLs ang nakakulong sa nasabing pasilidad.
Batay sa report ng PDEA Region II kay PDEA Director General Amoro Vergilio Lazo, negatibo ang resulta ng nasabing operasyon sa pagkakaroon ng iligal na droga at mga drug paraphernalia sa lahat ng dormitoryo at PDL, kabilang ang kanilang mga personal na gamit.
Pinuri ni Regional Director Levi S. Ortiz ang Composite Teams lalo na ang mga humahawak ng Narcotic Detection Dogs (NDDs) sa maayos na pagsasagawa ng greyhound operation na sinimulan ng Tuguegarao City District Jail.