NAGSAGAWA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office I ng Barangay Drug-Clearing Program (BDCP) at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Training para sa mga barangay chairman at secretary ng 33 barangay ng Cabugao, Ilocos Sur.
Ayon kay PDEA Regional Director Joel Plaza, sa pagsasanay, tinalakay ng Regional PECI Officer ang RA 9165, Drug Abuse and Identification.
Habang tinalakay naman ng provincial officer ng tanggapang ito ang bagong pambansang kampanya laban sa droga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “Na Bagong Pilipinas.
Tinalakay rin ng Regional Team Leader ng BDCP ang Barangay Drug Clearing Program.
Sa eksklusibong panayam kay Plaza, sinabi nito na ang provincial officer ng tanggapan na ito hinggil sa nasabing aktibidad o programa ng PDEA ay magpapatuloy sa lahat ng bayan at lalawigan ng Region 1.