NAGSAGAWA ng coordination meeting ang PBO/PECI Officer ng PDEA Tarlac kasama sina Hon. Celso L Banag, Municipal Mayor of Ramos, Tarlac at PMaj Marvin Mara, Chief of Police ng Ramos MPS, kahapon ng Pebrero 14, 2024.
Ayon sa PDEA Region, tinalakay nila sa pulong ang mga update ng BDCP sa munisipyo, inagurasyon ng House Silangan Reformation Center, pagpapanatili ng drug-cleared barangay; at ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa paglaban ng droga.
Gayundin, nagsagawa ng onsite inspection ang PDEA PBO/PECI Officer sa iminungkahing Balay Silangan Reformation Center (BSRC) sa mga nais magbago mula sa pagkalulong sa ilegal na droga.