PDP-Laban, hindi lilisanin ni Sen. Bato, Bong Go

PDP-Laban, hindi lilisanin ni Sen. Bato, Bong Go

HINDI lilisan sa Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sina Sen. Bato dela Rosa at Bong Go.

Ani Sen. Dela Rosa, wala na siyang ibang mapupuntahan pa kundi manatili sa PDP.

Sa pagiging reelectionist nito sa 2025 senatorial race, sinabi pa ni Dela Rosa at Go na bubuo na lang sila ng independent bloc.

Anila, batid nilang hindi sila makakasama sa line up ng administrasyon at maging sa oposisyon.

Nilinaw nito na hindi na nila ipipilit ang kanilang sarili kaya didiskarte na lamang sila sa pamamagitan ng guerilla warfare.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter