MARIING kinondena ng partido PDP-Laban ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang suspensiyon na ipinataw sa programang ‘Gikan sa Masa Para sa Masa’ ng SMNI kung saan tampok si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Ayon sa partido, ang hakbang ng MTRCB ay tahasang paglabag sa freedom of expression at press freedom.
Posible rin aniya nalabag ng MTRCB ang PD 1986 dahil walang malinaw na violations kung bakit sinuspinde ang programa.
Hanggang sa unang linggo ng Enero 2024 tatagal ang program suspension ng MTRCB.