PDP-Laban rumesbak: Tinawag na isinusuka, hirap at lulong sa droga si Marcos

PDP-Laban rumesbak: Tinawag na isinusuka, hirap at lulong sa droga si Marcos

SA unang araw ng kampanya ng PDP-Laban ay agad na rumesbak ang mga kandidato nito laban sa mga patama ni Bongbong Marcos.

Ang PDP-Laban ay niyakap ang sinabi ni Marcos na ang mga kandidato na kalaban ng administration slate ay inutusan lang na bumili ng suka.

Pero Kung “Team Suka” man ang tawag sa kanilang grupo ay balewala naman anila ito kumpara sa Marcos administration na isinusuka na ng mga tao.

Ako ay nagtitinda ng suka pero nakapag masteral, nakapag doctor of Philosophy ako, naging chief PNP ako, at ngayon naging senador pa. Kaya sa lahat nang nagtitinda ng suka jan malaki ang tsnasa na maging senador,” proud na proud na pahayag ni Sen. Bato Dela Rosa.

“Alam natin kung bakit napakataas ng pangunahing bilihin sa ating bansa. Yung hindi kumakain ng suka di nila alam yun. Alam din natin na lubog na lubog na tayo, naamoy natin ay suka. Pero sila di nila alam sapagkat karamihan sa kanila ay involved sa kurapsyon,” ayon naman kay Atty. Rodriguez.

“Kaya ako po ay natutuwa sa team suka. Ako po ay isang proud member ng team suka at ating pong lalaban ang team sinusuka. Labanan natin ang mga mambubudol,” pahayag naman ni Atty. Vic Rodriguez.

“Totoo inutusan po ako na bumili ng suka. At bumili ako ng suka. Siniguro ko pa na suka ang aking binili hindi droga,” ito naman ang sinabi ni Atty. Raul Lambino

Ang proclamation rally ay personal rin na dinaluhan ni Dating Pangulong Duterte, ang chairman ng nasabing partido.

Sa kanyang mensahe sinabi niyang hirap si Bongbong Marcos na solusyunan ang mga problema sa bansa.

Pero kung sakaling mas magaling man si Marcos sa pamamahala kumpara sa kanya ay hinikayat pa niya ang taumbayan na iboto ang senatoriables ng administration.

“Ngayon kung yung presyo ng bigas, yung presyo ng pagkain para sa Pilipino mas mababa ngayo eh noong panahon na umupo si Presidente. Kung mas mababa ngayon ang presyo ng pagkain eh iboto natin mga kandidato nya. Nakikita mo naman na almost di mo na kaya. Di kaya ng tao,” matapang na pahayag ni dating pangulong Rodrigo Duterte Chairman, PdP-Laban.

Bukod pa rito ay muli rin niya itong tinawag na lulong sa droga si Marcos.

“Merong isang presidente na talagang bangag. Buang. Pero yung bisyo ng droga long term yan. Maging ulol si Marcos. Maybe constant use of heroine abot pa cguro sya ng 80 pero di na yan gagalaw .Titindig nalang sa kwarto niya,” paliwanag pa ng dating Pangulo.

Sa kabuuan ay umabot ng anim na oras ang proclamation rally ng Duterte senatorial candidates na ginanap sa San Juan City.

Sa kanyang mensahe ay nabanggit din ng dating pangulo na posibleng mangngampanya ang partido sa Laoag, Bicol, Cebu, at Zamboanga.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble