WALANG kinalaman ang PDP-Laban sa pagtatagpo nina Mayor Sara Duterte at Senator Ronald Bato Dela Rosa sa Davao City.
“He made a courtesy call to Mayor Inday in his private capacity at yun po ay nirerespeto natin kung ano man ang pribadong bagay na napag-usapan po nila. Pero wala po tungkol sa PDP o sa pagtakbo sa 2022 po,”ayon kay Sec. Alfonso Cusi.
Sinagot rin ni Cusi ang mga tanong kung pinal na ba talaga na si Sen. Bato ang pambato ng administrasyon?
Iginiit ni Cusi na si Sen. Bato ang kanilang manok sa PDP-Laban bilang Pangulo hangga’t walang nangyayari hanggang Nov. 15
“Siya yung aming kandidato pagkapa-pangulo. So unless something happens between now and the 15th, siya po yung aming kandidato for 2022. So it is BA-GO, Bato Go,”dagdag nito.
May pahayag rin ang partido sa posibilidad na maging standard bearer nila si Bongbong Marcos.
Ito’y matapos magpahayag ng suporta si Mayor Sara at ang partido nitong Hugpong ng Pagbabago para kay BBM.
‘’Ofcourse maraming nagtutulak kay BBM, maraming nagtutulak kay Mayor Sara, but we have our own candidate-Bato,”ayon kay Cusi.