PDP-Laban, welcome ang suporta ni PGMA vs ICC

PDP-Laban, welcome ang suporta ni PGMA vs ICC

WELCOME development para sa PDP-Laban kung saan Chairman si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hakbang ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo laban sa International Criminal Court (ICC).

Magugunitang pinangunahan ni Arroyo ang paghahain ng House Resolution No. 780 para himukin ang mga kapwa mambabatas na suportahan si dating Pangulong Duterte laban sa ICC investigation sa war on drugs.

Para kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, ang suporta ni Arroyo ay pagpapakita na ito rin ay isang tunay na lider gaya ni Duterte.

“Because si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ipinakita lang po niya na siya rin ay isang tunay na lider gaya ng ating dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte,” ani Matibag.

Nagpasalamat din ang PDP-Laban ani Matibag sa Marcos administration lalo na kay Justice Secretary Boying Remulla sa suporta para kay FPRRD.

Nauna nang nanindigan ang PDP-Laban na walang karapatan ang ICC na imbestigahan ang dating presidente dahil functional pa ang justice system ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter