Pelikulang ‘About Us But Not About Us’, humakot ng awards sa 1st Summer MMFF

Pelikulang ‘About Us But Not About Us’, humakot ng awards sa 1st Summer MMFF

ITINANGHAL bilang “Big Winner” sa 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang “About Us But Not About Us”.

Sa ginawang Gabi ng Parangal ay humakot ang nasabing pelikula ng 10 awards.

Kabilang na dito ang “Best Picture”, “Best Director” at “Best Screenplay” para kay Jun Robles Lana, “Best Cinematography”, “Best Editing”, “Best Production Design”, “Best Musical Score” at “Best Sound Design”.

Tinanghal naman ang bida sa nasabing pelikula na si Romnick Sarmenta bilang “Best Actor” habang si Elijah Canlas na kasama rin sa pelikula ay nakamit ang Special Jury Prize.

Samantala, nakuha naman ni Gladys Reyes ang “Best Actress” awards para sa pelikulang “Apag” na nakakuha rin ng best original theme song na “Paralya”.

Sa Instagram, ibinahagi naman ni Gladys ang kaniyang pasasalamat at sinabing isang malaking karangalan ang maging bahagi ng unang Summer MMFF.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter