HUMAKOT ng award sa Manila International Film Festival (MIFF) ang pelikulang “Firefly”.
Itinanghal bilang Best Actress sa Manila International Festival (MMFF) 2023 ang star for all seasons na si Vilma Santos.
Pareho namang nanalo bilang Best Actors sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.
Si Dingdong para sa pelikulang “Firefly” at si Piolo naman ay sa horror film na “Mallari”.
Naipanalo naman ni Ate V ang Best Actress sa kaniyang pelikulang “When I Met You in Tokyo”.
Humakot naman ng parangal ang “Firefly” na itinanghal bilang Best Picture at Best Screenplay habang Best Director naman ang direktor nito na si Zig Dulay.
Best Supporting Actress rin ang aktres ng “Firefly” na si Assunta de Rossi.
Ang ipinalabas ng mga pelikula ng Manila International Film Festival (MIFF) ay ang 10 pelikulang itinampok sa MMFF noong Disyembre.
Isinagawa ang kauna-unahang awards night ng MIFF noong Sabado, Pebrero 3 sa Los Angeles, California, United States.