MAYROONG screening ngayon sa Beijing International Film Festival 2024 ang 2023 Pinoy fantasy film na “Firefly”.
Nagsimula ang screening nitong Abril 18 at magtatapos ito sa Abril 26.
Kung matatandaan, nakasungkit ng maraming award ang “Firefly” mula sa Metro Manila Film Festival 2023 gaya ng Best Picture, Best Screenplay, at Best Child Performer.
Samantala, mapapanood na ito sa Prime Video Ph sa Abril 30.