IKANSELA na ang mga permit ng manufacturers at importers ng substandard steel rebars.
Ito ang ipinanawagan ni Sen. Koko Pimentel sa Department of Trade and Industry (DTI) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Sa paggamit aniya ng low-quality construction materials, makukumpromiso ang integridad ng isang infrastructure project kung kaya’t magdadala ito ng banta sa mga tao.
Kamakailan, sa isinagawang test-buy operation ng DTI at Philippine Iron and Steel Institute, nakitaan ang ilang hardware stores sa Mindanao at Northern Luzon ng substandard na rebars.