Peru, dadayuhin ng mga negosyanteng Amerikano para mamuhunan

Peru, dadayuhin ng mga negosyanteng Amerikano para mamuhunan

INANUNSYO ni Peruvian President Pedro Castillo ang pagdating ng mga negosyanteng Amerikano mula Estados Unidos na mamumuhunan sa bansa.

Pupunta ang mga mamumuhunang mga negosyanteng Amerikano upang tumulong sa muling pagbubukas ng komersyo sa bansang Peru.

Ito ay matapos ang pakikipagpulong nito sa American Chamber of Commerce (AMCHAM) habang nananatili ito sa Washington D.C. para dumalo sa United Nations General Assembly.

Dagdag pa ni Castillo na darating ito sa mga susunod na linggo at tiwala itong makakatulong ito para sa pagdami ng mga mamumuhunan, mabawasan ang kahirapan, at ang muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

Paliwanag ng Pangulo na makikipagtulungan ang kanyang pamahalaan sa mga pribadong negosyo para masolusyunan ang mga problema sa kapaligiran gaya ng kaso ng mining project.

Samantala, tungkol naman sa kapayapaan at pakikipag-isa ng lahat para sa kalusugan ng mamamayan laban sa COVID-19 ang magiging laman ng talumpati ng Pangulo sa UN General Assembly.

SMNI NEWS