Petro Gazz malapit na sa second All-Filipino Finals Appearance

Petro Gazz malapit na sa second All-Filipino Finals Appearance

PATULOY na nagiging kapana-panabik ang PVL All-Filipino Conference ngayong taon. Sa nagpapatuloy na semifinals match, lumaki ang tyansa ng Petro Gazz Angels na makapasok sa final match sa ikalawang pagkakataon.

Ito ay matapos na payukuin ng koponan ang Choco Mucho Flying Titans sa iskor na 24-26, 25-18, 25-17, at 27-25.

Hawak ngayon ng team ang 2-0 standing at target nilang tapusin ang semis na ma-sweep ito.

Sunod na makakaharap ng koponan ang Akari Chargers na mayroong 1-1 standing. Bago ang kanilang paghaharap ngayong Huwebes, Abril 3, sa Smart Araneta Coliseum, ay una namang tinalo ng Creamline Cool Smashers ang Chargers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble