NAKIPAG-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Tripoli, Libya upang kilalanin at kumpirmahin ang umano’y isang Filipina suicide bomber sa Kasserine Region sa Tunisia.
Ayon sa pahayag, napatay ng Garde Nationale Tunisienne ng Tunisia ang isang terorista sa counterterrorism operation kung saan pinasabog ng asawa nito ang kanyang sarili sa isang explosive belt.
Nagdulot ng tatlong nasawi ang nasabing insidente kabilang ang sanggol na kanlong ng suicide bomber.
“News report from local media in Tunisia and international media claimed that the suicide bomber is a Filipino national,” ayon sa embahada.
Nangyari ang insidente noong Marso 31 sa isang malayong lugar ng Mount Selloum ng Kasserine malapit sa hangganan ng Algeria na kilala bilang hideout ng mga jihadist.
(BASAHIN: Dalawang babaeng suicide bomber, responsable sa twin bombing sa Jolo)