PINABULAANAN ng Philippine Embassy sa Bangkok, Thailand ang ulat na mayroong sampung Pinoy na nasawi roon dahil sa 7.7 magnitude na lindol na nangyari nitong March 28, 2025.
Anila, wala silang natanggap na balita hinggil sa mga nasawi ngunit patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon.
Ipinaalala naman ng embahada sa mga Pilipino na patuloy ding mag-monitor sa pangyayari at iwasang magpakalat ng fake news.
Para sa emergencies, maaaring makipag-ugnayan sa embahada sa pamamagitan ng hotline nila na +66 81 989 7116 o sa email address na [email protected].
Sa kabilang banda ay sinisikap din ng Philippine Embassy sa Myanmar na matunton na ang apat na Pilipinong nawawala roon dahil sa lindol.
Matatandaan na ang epicenter ng lindol na naramdaman din sa Thailand ay sa Mandalay, Myanmar.