MALUGOD na tinanggap ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. ang imbitasyon ni Danish Ambassador to the Philippines Franz-Michael Skjold Mellbin sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) na “study visit” sa Copenhagen, Denmark.
Sa study visit ng Navy at PCG ay magkakaroon ng palitan ng impormasyon sa law of the sea, gayundin sa naval, coastal at marine defenses, teknolohiya, at doktrina ng Denmark.
Ayon kay Teodoro, ang imbitasyon ng Denmark ay isang magandang pagkakataon sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon sa larangan ng depensa.
Pinasalamatan ni Teodoro si Mellbin sa suporta ng Denmark sa rule of law sa gitna ng panibagong pangha-harass ng China sa Ayungin Shoal.
Maliban dito, napag-usapan din ng dalawang opisyal ang posibleng kooperasyon ng Pilipinas at Denmark sa larangan ng cyber defense at information technology lalo na sa paglaban sa disinformation.