PORMAL nang sisimulan ng Philippine Navy at United States Navy ang kanilang Samasama Exercise ngayong araw.
Gagawin ang opening ceremony sa headquarters ng Philippine Navy sa lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Toribio Adaci, Jr.
Ito ang ika-anim na pagkakataon na isasagawa ang pagsasanay na layuning palakasin ang international defense cooperation at isulong ang rules-based international order.
Bibigyang pansin sa pagsasanay ang
interoperability exercises, subject-matter expert exchanges (SMEE) at humanitarian assistance and disaster response (HADR) table-top events.
Tatagal ang pagsasanay hanggang Oktubre 13, kung saan kabilang sa kalahok ang Japan, United Kingdom, Canada, France, at Australia.
Habang magsisilbing observer ang New Zealand at Indonesia.