PH Navy mas paiigtingin ang inspection at maintenance protocol para maiwasan ang disgrasya

PH Navy mas paiigtingin ang inspection at maintenance protocol para maiwasan ang disgrasya

UPANG mas bigyang diin ang importansiya ng kaligtasan, pinangako ng Philippine Navy na mas paiigtingin pa ang pagsasagawa ng inspeksiyon at maintenance protocol sa mga gamit panghimpapawid.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo, isang Philippine Navy Robinson R22 training helicopter ang bumagsak malapit sa Cavite City Public Market na kinasawi ng dalawang piloto.

Kaugnay rito, binisita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr, ang nakahimlay na labi ng mga yumaong sundalo na sina Lieutenant Jan Kyle Borres at Ensign Izzah Taccad sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Ipinaabot nito ang kaniyang pakikiramay at simpatya sa naulilang pamilya ng mga nasawing piloto kasabay ang pangako na susuportahan ito ng organisasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble