NAKASABAT ng nagkakahalagang P4-M smuggled na sigarilyo ang mga tauhan ng BRP Artemio Ricarte (PS37), sa baybayin ng Southwest ng Balut Island, Davao Occidental nitong nakaraang Miyerkules, Enero 3, 2024.
Nasabat ito mula sa isang motor banca na MB Patay Sapa habang nakapatrolya ang BRP Artemio Ricarte (PS37) sa ilalim ng operational control ng Naval Task Force 71.
Tatlong pinaghihinalaang suspek ang nadakip ng mga awtoridad kung saan nasa pangangalaga nito ang mahigit na 100 boxes ng Gajah Baru cigarettes.
Sa inisyal na impormasyon, nanggaling ang bangka sa Indonesia at patungo ito ng Linao, Maasim, Sarangani Province para ibaba ang nasabing mga kontrabando.