UMANGAT ng limang puwesto ang ranking ng Philippine passport batay sa annual passport index na inilalabas ng Henley & Partners, isang London-based consultancy firm.
Kumpara noong nakaraang taon, nasa ika-78 sa rankings ang Pilipinas mula sa 104 na mga bansang kalahok at visa-free ito sa 66 na destinasyon.
Ngayon, ang bansa ay nasa ika-73 na sa rankings at visa-free na ito sa 69 na mga destinasyon.
Ang pinakamahinang passport naman ay nananatiling Afghanistan kung saan mayroon lang itong 28 visa-free destinations.