PH SEAMEC 7-7-7 Flagship Program 1, pinahalagahan ang ugnayan ng mga bansa

https://www.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH

Sa unang araw ng programa ng PH SEAMEC 7-7-7 Flagship Program 1: Pag-abot sa Universal Early Childhood Care and Education, ipinakita ang halaga ng ugnayan ng mga bansa.

 

SA unang araw ng programa para sa PH SEAMEC 7-7-7 Flagship Program 1: Achieving Universal Early Childhood Care and Education (ECCE), binigyang halaga ang kolaborasyon ng mga bansa upang masiguro na ang mga programa tungkol sa ECCE ay kilala at maaaring panghugutan ng inspirasyon ng iba pang mga miyembro ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).

Binigyang-diin ni VP Sara Duterte sa kaniyang mensahe ang kahalagahan ng programang ito upang masiguro na ang antas ng pagpapahalaga ng ECCE sa mga bansa sa Southeast Asia ay pantay at naaayon.

Dinaluhan ng mga international education ministers ng Southeast Asia ang programa kasama ang ilang DepEd Officials, Taguig LGU, partners, at stakeholders.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the DepEd Philippines Facebook Page.