PH stocks at piso, lumakas matapos palawigin ng U.S. ang bagong trade tariff

PH stocks at piso, lumakas matapos palawigin ng U.S. ang bagong trade tariff

MULING lumakas ang halaga ng piso laban sa dolyar, gayundin ang performance ng Philippine Stock Exchange, kasunod ng anunsyo ng Estados Unidos na palalawigin muna ang implementasyon ng bagong trade tariff.

Lumalakas ang kumpiyansa sa merkado matapos magsara ang piso sa exchange rate na ₱56.35 kada dolyar—mas matatag kumpara sa mga nakaraang araw.

Kasabay nito, umakyat din ang Philippine Stock Exchange Index (PSEi) sa 6,433 puntos, senyales ng positibong pananaw ng mga mamumuhunan sa kalagayan ng ekonomiya.

Kamakailan, inanunsyo ni U.S. President Donald Trump ang 90-araw na extension ng moratorium sa reciprocal tariff, mula Hulyo 9 hanggang Agosto 1.

Ayon sa pamahalaan ng Amerika, layunin ng pagpapalawig na ito na bigyang-daan ang masusing pag-aaral at pag-aayos ng mga probisyon sa taripa, upang maiwasan ang sobrang buwis na maaaring ipataw sa mga global exporters.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble