BINAWASAN na ng PhilHealth ang case rates para sa ‘severe’ at ‘critical’ COVID-19.
Sa gitna ito ng mga panawagan na taasan ang kanilang benefit packages.
Mula sa P786K na orihinal na critical COVID-19 coverage para sa mga adult patient, bumaba na ito at sa kasalukuyan ay nasa P590K na lang.
Nasa P275K naman ang para sa mga kabataan.
Sa severe COVID-19 benefit packages, nasa P250K na lang ang para sa mga adult patient habang P230K para sa mga kabataan.
Sa paliwanag, nakabatay ang kanilang benefit cuts sa guidelines ng Department of Health (DOH) at Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases hinggil sa ‘minimum standards of care’.