PhilHealth fund na nasa National Treasury, malabong maibalik—abogado

PhilHealth fund na nasa National Treasury, malabong maibalik—abogado

DAPAT maubos ang pondo ng PhilHealth ngunit para lang sa sektor ng kalusugan.

Malinaw na nakasaad sa batas ayon kay Atty. Vic Rodriguez na ang pondo ng PhilHealth ay hindi maaaring gamitin sa mga proyekto o programa na walang kaugnayan sa healthcare.

Kung titingnan, ‘malversation of public funds’ o pagwawaldas na sa pampublikong pondo kung maituring ang paglilipat ng pondo nito sa National Treasury.

Ang malala pa, ‘zero’ ang pondo o walang government subsidy sa PhilHealth ngayong taon.

Para sa butihing abogado ay karagdagang paglabag ito sa batas.

Sa batas, nakukuha ng PhilHealth ang kanilang pondo mula sa sin tax o kabuoang koleksyon mula sa buwis sa sigarilyo; sa share ng gobyerno sa kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation PAGCOR.

Maging sa charity fund at mandatory contributions ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO); premium contribution ng mga myembro; annual funding ng DOH mula sa national budget; at sa government subsidy para sa state health insurer na kasama rin sa national budget.

Samantala, sa tingin ni Atty. Rodriguez ay malabo nang maibalik ang 60 billion pesos na pondo ng state health insurer na nasa national treasury.

Ito’y dahil kung ibabalik ay parang inamin na rin ng gobyerno na mali ang kanilang ginawa at sasampahan rin sila ng panibagong kaso.

Si Atty. Vic Rodriguez na tumatakbo rin bilang senatorial candidate ngayong midterm elections.

Noong taong 2024 nang sinimulan ng gobyerno ang paglilipat ng 89.9 billion pesos na umanoy excess fund ng PhilHealth papuntang National Treasury.

Ngunit naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order para mahinto ang paglilipat.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble