IPINAGMALAKI ng Philippine Air Force Tactical Operations Wing Western Mindanao ang kanilang partisipasyon sa katatapos lang na cause oriented fund bike sa Zamboanga.
Pinangunahan ito ng combat and service support brigade ng Philippine Marines.
Layon ng aktibidad na makakalap ng pondo sa ilalim ng temang “Padyak ko, Alay sa iyo, Sugatang Mandirigmang Marino”.
Dumalo sa aktibidad ang iba’t ibang Bimers group ng Zambianga kasama ang Air Warriors Bikers Team ng Air Force.
Bukod sa biking, sumali rin ang ilang Air Force personnel sa “Walk and Run with the Marines”.
Target ng programa na makalikom ng pinansiyal para sa tulong sa edukasyon sa mga naulila ng mandirigmang marino at rehabilitasyon ng marine wounded warriors in combat.