INIHAYAG ng Chinese Embassy na ang Pilipinas at China ay may malapit na komunikasyon ngayon kung saan pinaigting ang pakikipagtulungan nito laban sa mga criminal activities.
Kinilala ng China ang naging aksyon ng mga law enforcement agencies ng Pilipinas laban sa mga kriminal na aktibidad tulad ng pagkidnap at iligal na pagkulong sa mga Chinese citizens partikular na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, sa nakalipas na dalawang linggo, nailigtas ng mga law enforcement agency ng Pilipinas ang kanilang mamamayang Tsino na ikinulong ng mga POGO companies.
“Appreciative for that and always ready to protect the legitimate rights and interests of Chinese citizens overseas in accordance with the law, the Chinese Embassy will work with the Philippine side on matters such as repatriation in a constructive manner,” pahayag ni Huang.
Ikinatuwa rin ng China ang Pilipinas na laging handang protektahan ang mga lehitimong karapatan at interes ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat alinsunod sa batas.
Kahapon lamang ay nakipagpulong ang Chinese Embassy team kay Philippine Justice Secretary Crispin Remulla at sa kanyang DOJ team.
“My embassy team led by Chargé d’ Affaires ad interim Zhou Zhiyong met with Philippine Justice Secretary Crispin Remulla and his DOJ team,” ayon kay Huang.
Ayon kay Ambassador Huang, makikipagtulungan ang Embahada ng Tsina sa panig ng Pilipinas sa mga usapin tulad ng repatriation sa isang nakabubuti na paraan.
Nagkasundo ang dalawang panig na palalimin ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas para magkatuwang na masugpo ang mga krimeng may kinalaman sa POGO laban sa mga mamamayang Chinese.
Ang Embahada ng China ay mananatili sa komunikasyon sa DOJ at iba pang mga sangay na ahensiya nito.
Una na ring nakipagpalitan ng pananaw si Chinese Ambassador Huang kay Sec. Remulla kaugnay sa pangako na magtutulungan ang dalawang bansa sa pagsugpo ng krimen kaugnay sa POGO.
“The Chinese government firmly opposes and takes tough measures to combat gambling,” ani Huang.
Sinabi ni Ambassador Huang na ang gobyerno ng China ay mahigpit na tumututol at gumagawa ng matitinding hakbang para labanan ang pagsusugal.
Ayon sa batas at regulasyon ng China, ang pagsusugal sa anumang anyo ng mga mamamayang Tsino, maging online gambling o pagsusugal sa ibang bansa ay iligal.
Iniulat na karamihan sa mga krimen sa mga mamamayang Tsino sa Pilipinas ay may kaugnayan sa POGO.