Philippine Azkals, sasabak sa friendly game vs Kuwait

Philippine Azkals, sasabak sa friendly game vs Kuwait

SASABAK agad sa isang friendly game ang bagong talagang coach ng Philippine Azkals na si Barae Jrondi.

Ito ay dahil nasa Kuwait na ang Mens National Football (MNF) para sa kanilang friendly match sa Kuwait National Team sa araw ng Biyernes.

Ayon kay Jrondi, isang malaking hamon para sa kaniya ang nasabing laro dahil ito ang unang pagkakataon na siya ang mangunguna sa Azkals.

Makakasama ng Azkals ang beteranong team captain at goalkeeper na si Neil Etheridge.

Bago itinalagang coach si Jrondi ay nagsilbi itong technical supervisor ng football clubs sa Qatar Football Associations (QFA) ng 3 taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter