PHIVOLCS, patuloy na minomonitor ang Bulkang Taal sa posibleng malakas na pagsabog —Usec. Solidum

PHIVOLCS, patuloy na minomonitor ang Bulkang Taal sa posibleng malakas na pagsabog —Usec. Solidum

NAGPAPATULOY ang pagmomonitor ng Philippine Institue of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa volcanic activity ng taal upang mabantayan ang posileng malakas na pagsabog.

Ito ay ayon kay Phivolcs Undersecretary Renato Solidum sa panayam ng laging handa public briefing.

Bukod pa rito, naglagay na ang PHILVOLCS na maraming instrument sa paligid ng bulkan upang mabantayan ang kalagayan nito.

“Meron po tayong team na titingnan kung makakapalipad tayo ng drone at lumapit sa crater para matingnan talaga kung ano ang nangyayari,” pahayag ni Solidum.

Sa ngayon, patuloy ding nakikipag-ugnayan ang PHIVOLCS sa provincial government ng Batangas na namumuno ng Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC).

Bukod pa rito, inihayag ni solidum na mayroong mga mapa na available sa hazard-hunter ph gamit ang phone upang masigurado kung ano ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng mas malakas na pagsabog.

SMNI NEWS