TATANGGAP na nang dayuhang turista ang Phu Quoc Island sa Vietnam simula sa Nobyembre 20 matapos ang halos dalawang taong “freezing status” ng Vietnam dahil sa pandemya.
Tinatayang mahigit 200 na turista mula sa Republic of Korea ang pupunta sa Phu Quoc Island sakay ng Vietjet Flight at magkakaroon ng 4-days at 3-nights package tour kasama na ang flight, accomodation, high class tourism, resort, at entertainment activities sa Phu Quoc united center.
Pagkadating sa Phu Quoc International Airport ay kinakailangang dumaan sa health screening process at mag-install ng Igovn at Pc-Covid applications ang mga turista bago mag check -in sa hotel.
Mananatili naman ang lahat ng turista sa Vinpearl resort and spa, na naaprubahan upang ma-accomodate ang international travelers kasunod ng travel bubble scheme.
Samantala, kinakailangang magsagawa ng Covid-19 test ng mga turista sa una at huling araw ng kanilang 4 days at 3-nights vacation.