Pia Wurtzbach, inilunsad ang kauna-unahang libro

Pia Wurtzbach, inilunsad ang kauna-unahang libro

INILUNSAD ng beauty queen na si Pia Wurtzbach ang kauna-unahan nitong libro na may pamagat na “Queen of the Universe”.

Ang nasabing libro ay patungkol sa isang fictional character na nagngangalang Cleo na ang kuwento ng buhay ay hango sa mga karanasan sa buhay ng Miss Universe 2015.

Huwebes, Setyembre 14, 2023 nang nagkaroon ng book launch si Pia sa Manila International Book Fair sa Pasay City.

Lubos ang pasasalamat ni Pia sa lahat ng mga dumalo at tumangkilik sa kaniyang libro.

Dagdag pa nito na, isang magandang regalo ang launching ng kaniyang libro ilang araw lang bago ang kaniyang kaarawan.

Follow SMNI NEWS on Twitter