ITINANGHAL si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang Global Fashion Influencer of the Year ng 2024 EMIGALA Fashion & Beauty Awards.
Sa anunsiyo ng naturang award-giving body sa kanilang Instagram account, isasagawa ang EMIGALa Awards 2024 sa Dubai Festival City Mall ngayong Abril 27 at 28.
Inihayag naman ni Pia na sa kabila ng kaniyang natatanggap na bashing dahil sa pagiging beauty queen-turned-fashionista ay magpapatuloy siya dahil the more aniya na sasabihan siya ng ‘no’ ay mas lalo aniyang patutunayan na mali ang mga ito.
Bukod kay Pia, kabilang din sa mga Pilipino na naunang kinilala ng EMIGALA Awards ay sina Michael Cinco bilang Fashion Designer of the Year at Furne Amato bilang International Fashion Designer of the Year.