Piliin ang mga nagmamahal sa bayan, hindi ‘yung nagmamahal sa sariling interes—Sen. Bato Dela Rosa

Piliin ang mga nagmamahal sa bayan, hindi ‘yung nagmamahal sa sariling interes—Sen. Bato Dela Rosa

HINIMOK ni Sen. Bato Dela Rosa ang publiko na maging mapanuri sa pagpili ng mga kandidato sa darating na eleksiyon.

Aniya, dapat tiyakin na ang mga magiging miyembro ng Kongreso at Senado ay mga lider na inuuna ang kapakanan ng buong bansa kaysa sa sariling interes o bulsa.

“Ang power ng taong-bayan ay lalabas lang ‘yan sa eleksyon. Ngayon, magkakaroon na naman tayo ng eleksyon—siguruhin ninyo na ‘yung pinipili ninyo, magiging miyembro ng House at ‘yung representative ninyo sa Senado, ay nagmamahal sa bayan. Hindi nagmamahal sa sariling bulsa, hindi nagmamahal sa sariling kapakanan, sariling interes. Kundi ang minamahal talaga dapat, ay ‘yung buong bansang Pilipinas,” saad ni Sen. Bato Dela Rosa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble