KASUNOD sa dalawang araw na opisyal na pagbisita sa Atty. Hans Leo Cacdac, itinalaga bilang OIC ng DMW bansa ni German Federal Foreign Minister Annalena Baerbock, nagkasundo ang Pilipinas at Germany kaugnay sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs) papuntang Germany.
Araw ng Huwebes nang nilagdaan ni Migrant Workers Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac at ni Federal Foreign Minister Baerbock ang Joint Declaration of Intent na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng Germany sa labor market na magpadala ng mga skilled Filipino worker sa naturang bansa.
Handa ang Pilipinas na tumulong sa Germany sa pagtugon sa kakulangan ng mga skilled worker nito sa pamamagitan ng pagpapadala ng bihasang manggagawang Pilipino sa ilalim ng mga naaangkop na tuntunin at kondisyon.
Sa kabilang banda, layunin ng Germany na makipagtulungan at tumulong sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan ng pagsisikap tulad ng pagsasama-sama tungo sa pagpapanatili ng isang sapat na bilang ng mga manggagawang Pilipino lalo na sa sektor ng pangangalaga sa kalusugan, at pagpapalaganap ng pag-unlad at pagsasanay ng kanilang mga tauhan.
Sa ilalim din ng Joint Declaration of Intent, kinikilala ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay sa mga karapatan at pagsusulong sa kapakanan ng mga manggagawa at mga employer.
Sa layuning ito, ang mga kalahok ay binibigyang-diin ang kanilang pagtatalaga sa mga prinsipyo sa ethical recruitment, fair migration, at disenteng trabaho.
Kinumpirma rin nila ang kanilang pagsunod sa mga pamantayan at prinsipyo na tinatanggap ng International Organization for Migration (IOM) at International Labor Organization (ILO), kasama na ang Global Compact for Migration, na alinsunod ng mga batas at regulasyon ng parehong mga kalahok.
Sa ilalim din ng kasunduan, ang Germany ay may mga programa na scholarship para sa mga nursing student.
May mga partnership din ang Germany sa ilang paaralan sa Pilipinas para sa upgrading ng facilities at curriculum.