Pilipinas at Vietnam, mas palalakasin ang kooperasyon bukod sa agriculture trade

Pilipinas at Vietnam, mas palalakasin ang kooperasyon bukod sa agriculture trade

PLANO ng Pilipinas na mas palakasin pa ang kooperasyon nito sa ibang sektor bukod sa agricultural trade ayon sa Malacañang.

Sa kalagitnaan ng pagpupulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kay Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chin, sinabi ni Pangulong Marcos na ang turismo ay mahalagang sektor na kailangan din nilang pagtulungan.

Bukod dito, sinabi ni Pangulong Marcos na maaari ding palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa Southeast Asia sa trade and investment, agrikultura, at defense and security.

Nangako naman is Prime Minister Pham na ipagpapatuloy nito ang pakikipag-ugnayan sa bansa sa trade promotion lalo na sa mga produktong kaya nitong suplayan nang matagalan.

Base sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority, ang Vietnam ang pangunahing supplier ng agricultural products ng Pilipinas hanggang noong Oktubre ng.

nakaraang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter