Cong. Sandro Marcos sa pagkakaiba ng foreign policy ng FPRRD at PBBM admin: It’s normal

Cong. Sandro Marcos sa pagkakaiba ng foreign policy ng FPRRD at PBBM admin: It’s normal

MAY komento ngayon si Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa pagkakaiba ng foreign policy ng Duterte at Bongbong Marcos administration.

‘Friends to all enemies to none’.

‘Yan ang independent foreign policy ng nagdaang Duterte administration.

Sa kaniyang termino, hindi naging sunod-sunoran ang Pilipinas sa Estados Unidos.

“You know Amerika basta may Amerika talagang gulo yan, I do not know why. I am not saying that they are doing their purpose but in Vietnam sabog what was the net result, nag-atras sila. They were put to shame pati ‘Yung mga equipments nila hinulog nila sa dagat just to escape the travails of a, dito sila sa Middle East nag stand by sila sa Syria, gulo,” pahayag ni dating Pangulong Duterte.

Matindi naman ang paggalang ng Chinese government sa dating presidente.

Ngayong taon, ‘friends to all enemies to none’ pa rin ang foreign policy ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos, Jr.

Katunayan, number 1 sa prayoridad ng bagong pangulo ang interes ng bansa sa lahat ng kaniyang foreign trip.

Nauna niyang binisita ngayong 2023 ang China kung saan tinalakay ang issue sa West Philippine Sea.

Nagpasya naman si Pangulong Marcos na dagdagan ang access ng US military sa army bases ng bansa.

Apat na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bases sa iba’t ibang lugar ang napagkasunduan ng US at Philippine government na gawin.

At sa kaniyang recent US trip, sinabi ni Pangulong Marcos na mananatiling matatag ang ugnayan ng US at Pilipinas.

“Our discussions were very productive. We are on the same mind that our long-standing alliance and partnership must be adapted to address the challenges of our time in order to bring about lasting peace and sustainable prosperity to our countries and to our people,” ayon kay Pangulong Marcos.

Para naman kay Presidential son Sandro Marcos, normal lamang na may mga pagkakaiba sa polisiya ang bawat liderato.

Lalo na sa usapin ng foreign relations.

“Even if there are disagreements with the policy with regards to the supporter of former President Rodrigo Roa Duterte, of course, one can say also that there’s a difference in foreign policy. I think policy disagreements are normal,” saad ni Rep. Sandro Marcos, 1st District, Ilocos Norte.

Saad din ng batang Marcos, policy-based at hindi personality-based ang mga talakayan ngayon sa bansa.

At mas maraming aktibong Pinoy sa usapin na may kaugnayan sa geo-politics.

Bahagi ng masiglang demokrasya sa Pilipinas.

Ang mahalaga, ani Sandro, hindi ito umaabot sa siraan.

“Ang pinag-uusapan ngayon ay policy. Ang mga iba’t ibang policy difference ng iba’t ibang policy statements. Hindi sinisira ang tao, hindi sinisira ang policies ng isang pulitiko. Imbes na naging personality politics tungkol sa nakaraan, before former President Duterte, ang pinag-uusapan na ngayon ay policy which is much more important than destroying ones character in one opinion,” wika ni Rep. Sandro.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter