Pilipinas, ‘di kailangang humingi ng permiso sa pagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal—AFP Spox

Pilipinas, ‘di kailangang humingi ng permiso sa pagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal—AFP Spox

HINDI kinakailangang humingi ng Pilipinas ng permiso sa kaninumang bansa tuwing magsasagawa ito ng rotation at resupply (RoRe) mission sa Ayungin Shoal.

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Col. Francel Padilla sa panayam ng media sa Camp Aguinaldo araw ng Lunes, Enero 29, 2024.

Kaugnay ito sa ipinalabas na pahayag umano ng Chinese Coast Guard (CCG) na nagkaroon ng temporary arrangement sa pagitan ng Pilipinas at China sa paghahatid ng suplay sa mga sundalong nakahimpil sa Ayungin Shoal.

Iginiit ni Padilla na pag-aari ng Pilipinas ang Ayungin Shoal kung kaya’t tuloy pa rin ang RoRe nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter