KINILALA sa Global Muslim Travel Index 2025 ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang patuloy na nagiging bukas at kaaya-aya sa mga Muslim travellers.
Mula ika-12 noong 2024, umakyat sa ika-8 puwesto ang Pilipinas sa Global Muslim Travel Index 2025 para sa mga non-Organization of Islamic Cooperation destinations.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, patunay ito ng dedikasyon ng bansa sa pagiging halal at Muslim-friendly tourist destination.
Binibigyang halaga ngayon ng DOT ang mga polisiya at pasilidad na inclusive para sa mga bisitang Muslim.
Dagdag pa niya, ang pagtutok sa halal tourism ay nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan ng mga Pilipino.
Ipinagmamalaki rin ng ahensiya ang mainit na pagtanggap at likas na ganda ng Pilipinas na siyang patuloy na humihikayat sa mga turista para bisitahin ito.