KAILANGANG humabol ng Pilipinas sa paghahanda upang makaligtas sa isang lindol na maaaring aabot sa magnitude 7.2 o mas malakas pa. Partikular na sakop ng paghahanda ang tamang pagsunod sa building code.
Ayon ito sa Office of Civil Defense (OCD), lalo na’t may nangyaring malakas na lindol sa Myanmar at Thailand noong nakaraang linggo.
Binigyang-diin din ni OCD Usec. Ariel Nepomuceno, madalas na napag-uusapan ang ‘the big one’ dahil maaaring lubhang tamaan ang Metro Manila, ngunit huwag kalimutan na mayroon pang anim na aktibong trench sa bansa na nagdudulot ng mga lindol.
Partikular na rito ang nasa Abra, Bohol at Davao Region.
Nagdudulot din ito ng banta, ayon sa OCD.
Follow SMNI News on Rumble